MERALCO, all set na para sa BSKE 2023

Nakahanda na rin ang MERALCO para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Lunes, October 30,2023

Sinabai ni MERALCO Spokeperson at Vice President for Corporate Communications JP Zaldariaga na nakaalerto na ang kanilang mga crew upang tiyakin na tuloy tuloy ang serbisyo ng kuryente sa panahon ng eleksyon.

Handa na rin ang mahigit 300 generator sets at halos 800 flood lights na maaring gamitin ng mga crew sakaling magkaroon ng problema ang serbisyo ng kuryente


Dagdag pa ni Zaldariaga, kaisa ang Meralco ng pamahalaan para mapanatiling maayos at mapayapa ang 2023 BSKE.

Mananatili ring bukas 24/7 ang Meralco hotline na 1622, gayundin ang kanilang Facebook page.

Facebook Comments