Nakatakdang magsagawa ng pagdinig ang House Committee on Energy kaugnay ng biglaang pagtaas ng singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) para sa buwan ng Mayo.
Ayon sa Vice Chairman ng komite at Quezon City Representative Bong Suntay, iimbitahan nila ang mga kawani ng Meralco at Energy Regulatory Commission (ERC) para pagpaliwanagin.
Nauna nang ipinaliwanag ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga na ang kasalukuyang bill ay sumasalamin sa kabuuang epekto ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) habang ang March at April bills ay base sa average consumption ng mga costumer sa nakalipas na tatlong buwan.
Ayon sa electric company, maaari namang bayaran ang bill sa pamamagitan ng installment basis.
Samantala, binigyang-diin ni Suntay na dapat pa ring bigyan ng benefit of the doubt ang Meralco sa pagkuha ng halaga ng electric bill dahil posibleng nagkaroon din ito ng pagkakamali.