Meralco at Ginebra – kabado para sa game 7 nila bukas

Sports – Aminadong kinakabahan para sa kanilang do-or-die game ang Meralco Bolts at Barangay Ginebra.

Ito ay matapos na maitabla ng bolts sa 3-3 ang serye ng laro kagabi sa iskor na 98-91.

Ayon kay Ginebra Coach Tim Cone, target nila ngayon na palakasin ang puwersa ng mga local player bilang paghahanda sa game 7.


Pagpapalakas naman sa depensa ng mga manlalaro ang diskarteng ipatutupad ni Bolts Coach Norman Black.

Gaganapin ang game 7 ng PBA Governor’s Cup final bukas, October 27 sa Philippine Arena.

Facebook Comments