Meralco at Maynilad, pansamantalang ipinatigil ang kanilang meter reading kaugnay sa COVID-19

Pansamantala munang ipinatigil ng pamunuan ng Meralco ang pagbasa ng electric meters at pagpapadala ng electric bill sa kanilang mga customer.

Bukod sa 30-day payment extension ay magkakaroon din ng schedule ng meter reading na magsisimula sa marso 17 hanggang abril 14.

Ayon sa Meralco, sakaling kulangin o sumobra ang konsumo ng kuryente ay i-a-adjust nila ito sa susunod na billing cycle.


Samantala, nagsuspinde narin ng meter reading ang pamunuan ng maynilad hanggang matapos ang quarantine period sa Abril 14, 2020.

Ayon sa Maynilad, sakaling sumobra o kulangin ang bayarin ay agad nilang isasagawa ang adjustment sa actual meter reading habang i-e-estimate naman ang average water consumption ng customer sa nakalipas na tatlong buwan.

Facebook Comments