Meralco, bibigyan ng mahabang panahon ang publiko para makapagbayad ng bill sa kuryente

Bibigyan ng mahabang panahon ng Meralco ang publiko para makapagbayad ng kanilang bill sa kuryente.

Sa interview ng RMN Manila sinabi ni Meralco Communications Associate Zen Fortaleza na kung ang kabahayan ay komunsumo ng 200 Kilowatts Per Hour (kWh) pababa nitong Pebrero, mayroon silang hanggang anim na buwan para makapagbayad.

Habang apat na buwan naman ang ibibigay na palugit sa mga kustomer na kokonsumo ng 201 Kilowatts Per Hour.


Samantala, ilalabas na rin ngayong Hunyo ng Meralco ang billing para sa mga kustomer nito na apat na buwang hindi nakatanggap ng billing mula nang ipatupad ang Community Quarantine nitong Marso.

Facebook Comments