Meralco Bolts at Hotshots, wagi sa PBA Governors’ Cup

Nasungkit ng Meralco Bolts ang ikalawang panalo matapos iyuko ang Phoenix Pulse, 111-94 sa PBA Governor’s Cup.

Ayon kay Baser Amer (26 points) – naging maganda ang kanilang depensa at opensa, at nakipagsabayan lang sila sa bilis ng Phoenix.

Nakalusot naman ang Magnolia Hotshots sa Alaska Aces, 95-90.


Para kay Ian Sangalang – mahalaga ang larong ito at hindi dapat minamaliit ang Alaska.

Samantala, itinanghal bilang kampeon ng DZXL Radyo Trabaho Volleyball Tournament ang OJT Warriors matapos talunin ang Lady Raptors.

Nanalo ang OJT Warriors laban sa Lady Raptors, 2-sets-to-1 sa score na 25-18, 20-25 at 25-17.

Nakuha naman ng RMN Head Office Monarchs ang ikatlong pwesto nang magwagi kontra Nota Bulls, 2-sets-to-1 sa score na 25-20, 18-25 at 25-21.

Bago ang laro sa volleyball, nasungkit naman ng Lunas Kalusugan ang kampeonato sa DZXL Radyo Trabaho Basketball Tournament kontra RMN Head Office sa score na 99-74.

Nakuha naman ng Gentle Hands Holistic Wellness Center ang third place, fourth place ang DZXL RT Xanthone Plus at nasa huling pwesto ang DWWW/iFM.

Facebook Comments