Meralco Bolts Cliff Hodge at SMB Chris Ross, magbibigay din ng tulong pinansyal sa mga empleyadong apektado ng suspensiyon ng PBA

Magbibigay ng pinansiyal na tulong sina Meralco Bolts Cliff Hodge at San Miguel Beermen Chris Ross sa mga empleyado ng pba na apektado ng pagsuspinde ng laro dahil sa COVID-19 outbreak.

Kasunod ng inisyatibo ni Alaska Aces Coach Jeff Cariaso na magbigay ng nasa ₱100,000 tulong pinansiyal sa mga PBA personnel kabilang na ang mga table officials, statisticians at mga gate keepers.

Ayon sa dalawang manlalaro, magbibigay sila ng tig ₱20,000 bilang dagdag sa ibibigay ni Coach Jeff.


Una nang nanawagan si Cariaso sa mga manlalaro ng PBA na tumulong din upang mapunan ang katumbas ng isang buwang kikitain ng mga apektadong empleyado ng PBA.

Facebook Comments