Meralco Bolts, lumakas ang tsansa sa twice to beat advantage matapos na manalo kontra Phoenix Fuel Masters sa PBA Commissioners Cup

52

Manila, Philippines – Mas lalong lumakas paang tsansa ng Meralco Bolts sa twice to beat advantage sa quarter finals matapos na talunin ang Phoenix Fuel Masters sa score na 81-66.
Naging bida sa panalo ng Bolts ang ginawang 20 points ni Baser Amer habang mayroong 19 points at apat na rebounds si Chris Newsome.Sa naging interview kay Amer, siniguro nilang manalo para makasiguro ng pwesto sa playoffs kahit na na-fouled out siya sa huling minuto ng 4th quarter.
Dahil sa panalo ay mayroon ng pitong panalo at isang talo ang Bolts habang ang Phoenix ay mayroong tatlong panalo at limang talo.

Facebook Comments