Meralco Bolts, napanatili ang top spot sa pagtatapos ng elimination round ng PBA Governors’ Cup

PBA – Nasungkit ng Meralco Bolts ang twice to beat advantage matapos talunin ang San Miguel Beermen sa PBA Governors Cup.

Nanalo ang Bolts sa score na 104-101 kung saan nanguna sa panalo ang kanilang import na si Allen Durham na may 35-points.

Dahil sa panalo, nanatili sa top spot sa team standings ang Meralco na may 9-2 at makakaharap nila sa quarterfinals ang Blackwater Elite.


Nakuha naman ng Star Hotshots ang ika-apat na pwesto at twice to beat advantage nang talunin ang NLEX Road Warriors sa score na 101-93 na kanila din makakarap sa quarterfinals na magsisimula bukas (September 26).

Samantala, tinalo ng Chooks-To-Go Pilipinas ang Thailand sa iskor sa 115-102 sa 2017 FIBA Asia Champions Cup sa Chenzhou, China.

Bumida sa panalo ng Pilipinas si Carl Bryan Cruz na may 28 points habang nag-ambag naman ang import na si Isaiah Austin na naka-27 points, 19 rebounds at apat na blocks.

Sa ngayon, mayroon ng 2-1 record ang Pilipinas kung saan pahinga muna sila ngayong araw at bukas ay kakailanganin nilang manalo kontra Iran para makapasok sa quarterfinals.

Facebook Comments