Meralco Bolts, panalo sa game 1 kontra Star Hotshots sa PBA Governors’ Cup

Sports – Nasungkit ng Meralco Bolts ang una nilang panalo sa best of five semifinal games kontra Star Hotshots sa iskor na 72-66 sa PBA Governors’ Cup.

Nanguna sa bolts ang kanilang import na si Allen Durnham na nakapagtala ng 23 points, 23 rebounds at apat na assists.

Habang mayroon namang 15 points si Jared Dillinger at 10 points si Baser Amer.


Mula unang quarter ay tinambakan ng Star ang Meralco hanggang mahabol ito.

Facebook Comments