Meralco, dinepensahan ang paniningil nito ₱47 convenience fee

Dumipensa ang Manila Electric Company (Meralco) sa paniningil nito ng ₱47 na convenience fee para sa mga kostumer nitong nagbabayad ng bill online.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, optional naman at hindi sapilitan ang paggamit sa kanilang mobile app.

Paglilinaw pa nito, hindi naman napupunta sa Meralco ang convenience fee kundi sa ginagamit nilang payment gateway.


Kadalasan lang naman aniya itong ginagamit ng mga konsumer nila na hindi makapagbayad over-the-counter o ayaw maabala sa pagpunta sa kanilang mga business center.

Tiniyak din ng Meralco na nag-abiso sila sa Department of Trade and Industry (DTI) ukol sa paniningil ng convenience fee.

Facebook Comments