Inisa-isa ng Manila Electric Company (Meralco) ang mga dahilan ng panibagong taas sa singil sa kuryente ngayong Hunyo.
Partikular ang bunga ng pagtaas ng pass through charges.
Kabilang dito ang generation cost o bayad sa mga power producers; gayundin ang transmission charge o bayad sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Nilinaw rin ng Meralco na tumaas ang singil sa FIT-ALL na ipinapataw ng gobyerno para sa pagsulong ng renewable energy sa bansa.
Una nang inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang utay-utay na pagtaas sa singil sa kuryente.
Facebook Comments