Tiniyak ng Manila Electric Company (Meralco) na susunod sila sa direktiba ng pamahalaan na palawigin ang no-disconnection policy para sa mga customer na may mababang konsumo sa kuryente.
Matatandaang pinalawig ng Meralco ang no-disconnection period hanggang January 31, 2021.
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, hinihintay na lamang nila ang specific guidelines mula sa Department of Energy (DOE).
Paniniguro pa niya na tutulungan nila ang kanilang mga customers na ayusin ang ilang isyu sa kanilang billing.
Bago ito, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng DOE na palawigin ang naturang polisiya para sa buwan ng Pebrero.
Hinimok din ng Pangulo ang Kongreso na palawigin din ang subsidy para sa marginalized power consumers sa loob ng 30 taon mula 2021 hanggang 2051.