Meralco, hindi magpapatupad ng power disconnection hanggang Disyembre; Putulan sa suplay ng kuryente, nakaamba pagpasok ng 2021

Tiniyak ng pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) na susunod sila sa kautusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) na walang magaganap na putulan ng suplay ng kuryente o power disconnection ngayong taon.

Sa interview ng RMN Manila kay Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, nilinaw nito na ang no-disconnection policy ay iiral lamang sa mga customer na kumu-kunsumo ng 200 kWh o mas mababa pa kada buwan, batay na rin sa direktiba ng ERC.

Ayon kay Zaldarriaga, magbibigay pa rin naman sila ng tatlumpung araw na palugit para sa lahat ng mga customer para mabayaran ang kanilang electricity bill sa mga lugar na nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) nang walang interes o multa.


Kasabay nito, pinag-alalahanan ng opisyal ang kanilang customers sa pagpapatupad ng power disconnection pagpasok ng 2021.

Facebook Comments