Meralco, hindi muna magpapatupad ng rotational brownout sa kabila ng alert status ng NGCP

Siniguro ng Meralco na walang ipapatupad na rotational brownout kahit pa inilagay sa yellow at red alert status ng National Grid Corporation o NGCP ang Luzon grid dahil sa manipis na suplay ng kuryente.

 

Ayon kay Joe Zaldarriaga tagapagsalita ng Meralco, walang lugar na tatanggalan ng suplay ng kuryente dahil kaya pa naman tugunan ang suplay sa ilang lugar sa Metro Manila.

 

Iginiit pa ni Zaldarriaga na hindi naman gaanong mainit ang panahon kaya’t ang actual demand ng paggamit ng kuryente ay mababa sa inaasahan


 

Pero dedepende daw ito sa load na magagamit ng consumers kaya’t kapag tumaas ang demand ay kailangan maging balanse o patas ang pagsuplay ng kuryente.

 

Sa ngayon, aabot hanggang alas-4:00 ng hapon ang red alert status sa Luzon grid kaya’t umaasa ang meralco na magiging sapat pa ang suplay ng kanilang kuryente.

Facebook Comments