Nilinaw ng Manila Electric Company (Meralco) na hindi na sila nagpapataw ng ̈́₱47 convenience fee sa kanilang mga customer kapag nagbabayad ang mga ito ng kanilang electric bills sa pamamagitan ng kanilang mobile application.
Ayon kay Meralco Senior Vice President, Legal and Corporate Governance Office Head William Pamintuan, ang waiver ng convenience fee ay ginawa noong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila at iba pang kalapit lugar na sakop ng Meralco.
Aniya, naging limitado ang payment channels o paraan ng pagbabayad noong ECQ at sarado ang kanilang business centers.
Sinabi ni Pamintuan na mula nang ibaba sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila ay agad nilang binawi ang convenience fee.
Ang 24/7 mobile application ng Meralco ay inilunsad noong Setyembre 2018 kung saan maaaring maghain ng service application para sa sales at after-sales, pag-view ng account, billing, o payment records, pag-report ng concerns o outages, at access sa iba pang serbisyo.