Muling iginiit ng Manila Electric Company o Meralco na wala daw dapat ipangamba ang publiko sa mga nakatakdang maintenance shutdown ng kanilang mga padilidad at planta.
Ayon kay Joe Zaldarriaga, taga-pagsalita ng meralco ang ginagawa nilang hakbang ay bilang paghahanda sa nalalapit na eleksyon upang hindi daw magka-aberya pagsapit ng araw ng botohan.
Sinabi pa ni Zaldarriaga na sapat ang suplay ng kuryente kahit pa naka-white alert ang kanilang status.
Aniya, ramdam daw nila ang pangamba ng publiko lalo na’t ilang araw pa lamang ang nakakalipas nang magkaroon sila ng problema sa tubig.
Sa huli, inihayag pa ni Zaldarriaga na bawat hakbang na kanilang gagawin ay mababasa o makikita daw ng kanilang mga customer sa social media, tv, dyaryo at sa radyo.