Meralco, kinondena ang ginawang pagnanakaw ng kable ng kuryente ng mga residente sa kasagsagan ng malaking sunog sa Manila

Labis na ikinadismaya ng Meralco ang nangyaring pagnanakaw ng ilang kalalakihan sa kable ng kuryente sa Aroma Compound sa Tondo, Maynila habang nagsasagawa ng clearing operation pagkatapos ng malaking sunog.

Ayon kay Meralco Vice President at Corporate Communications Head Joe Zaldarriaga, bukod sa labag sa batas ay delikado rin ang ginawa ng mga residente dahil mapanganib ang paggalaw sa kanilang mga pasilidad na walang tamang kagamitan.

Makaaapekto rin ito sa mabilis na pagbabalik ng kuryente sa lugar dahil ninakaw ang linya ng kuryente ng Meralco.

Kaya naman panawagan ni Zaldarriaga sa mga residente sa lugar na isipin din nila ang kanilang mga kapitbahay na nasunugan din at kailangan ng kuryente.

Kasabay nito, nagpasalamat naman ang opisyal kay Manila Mayor Isko Moreno at agad niyang inaksiyunan ang insidente.

Facebook Comments