Meralco, lumagda sa 370-megawatts na emergency power supply agreement mula sa Aboitiz

Lumagda ang Manila Electric Co o Meralco sa Aboitiz Group sa isang short term emergency supply deal upang nakakuha ng 370-megawatts na suplay ng kuryente.

Sa ilalim ng emergency power supply agreement ng dalawang power distributors, nagkakahalaga ito ng ₱8.14 kada kilowatt-hour.

Ayon kay Meralco first vice president and regulatory management head Jose Ronald Valles, humiling sila ng certificate of exemption mula sa Department of Energy upang maipatupad kaagad ang kasunduan.


Magugunitanmg lumagda rin ang Meralco sa South Premiere Power Corp. Para sa isang taong suplay ng 300-megawatts na baseload capacity para naman sa paghahanda sa tag-init.

Facebook Comments