Meralco, magbabawas ng singgil sa kuryente

Inanunsyo ng Meralco ang pagbaba nila ng electricity rate ngayong Abril.

Ayon sa Meralco, halos piso o P0.9879 kilowatt-hour ang ibaba nila sa electricity rate ngayong buwan.

Ito ay bungang pagbaba ng generation charge ng P0.3613 kada kilowatt-hour at transmission charge na P0.4665.


Bumaba rin anila ang gastusin sa operasyon ng independent power producers bukod sa nakatulong ang suspensyon ng Energy Regulatory Commission sa settlements ng reserve market.

Nangangahulugan anila ito na ang customers na kumo-konsumo ng 200 kilowatt-hour na kuryente ay mababawasan ng P198 sa kanilang electricity bill.

Facebook Comments