
Iniimbitahan ng Meralco ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Quezon City para dumalo sa ikakasa nilang Lifeline Rate Discount Caravan ngayong Biyernes, April 10.
Ipaliliwanag dito kung sino-sino ang kwalipikado sa naturang diskwento at kung paano mag apply.
Magbabahagi rin ng mga praktikal tips ang Meralco kung paano makakatipid ang publiko sa pagkonsumo ng kuryente sa loob ng bahay, para maibsan ang bigat ng bayarin buwan-buwan.
Isasagawa ang aktibidad sa Risen Garden ng Quezon City Hall mamayang 8:00 AM.
Facebook Comments










