Nakatakdang maghain ang Meralco ng petisyon sa Energy Regulatory Commission (ERC).
Kaugnay ito ng alok ng Meralco na ₱19 billion refund para sa sobrang nakolekta sa consumers mula July 2022 hanggang December 2024.
Sakaling aprubahan ng ERC, gagawin ng Meralco na utay-utay ang refund sa loob ng tatlong taon.
Sa residential consumers, ₱0.19 kada kilowatt hour ang magiging refund ng electric company.
Una nang hiniling ni Senator Risa Hontiveros ₱100 billion na refund mula sa Meralco.
Facebook Comments