Meralco, magpapatupad ng 34 centavos na bawas-singil sa kuryente ngayong Enero

Manila, Philippines – Magpapatupad ang Meralco ng P0.34 per kilowatt hour na bawas-singil sa kuryente ngayong buwan.

Epekto ito ng mas mababang generation charge ngayong Enero na nasa P4.91 per kilowatt hour mula sa p5.33 per kilowatt hour noong disyembre.

Nauna nang sinabi ng Meralco na karaniwang bumababa ang singil sa kuryente tuwing Enero dahil sa mas mura ang benta ng power generators kapag nire-reconcile nila ang outage allowance sa katapusan ng taon.


Kaya para sa mga kumokonsumo ng 200 kwh kada buwan, p68 ang magiging bawas-singil sa kanilang January bill.

Facebook Comments