Meralco, magpapatupad ng bawas-singil ngayong buwan

Magpapatupad ng bawas-singil sa kuryente ang Meralco ngayong buwan.

Ito ay matapos ang tatlong sunod na buwang taas-singil.

Sa abiso ng Meralco, nasa 41-centavos ang mababawas sa kada kilowatt hour.


Katumbas nito ang 82 hanggang 205 pesos na tapyas sa electric bill sa mga kumokonsumo ng 200 hanggang 500 kilowatt hour.

Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga – ang tatlong beses na pagtataas ng singil ay dulot ng mas mataas na generation charge.

Bumaba aniya ito ngayong buwan dahil din sa pagbaba ng power cost ng Power Supply Agreement o PSA ng Meralco.

Ipinagmalaki rin ni Zaldarriaga – na bumaba ang singil sa nagdaang dekada, mula sa ₱10.03 noong 2010 sa ₱9.90 nitong 2019.

Umaasa ang Meralco na magiging sapat na ang reserba ng kuryente sa Luzon grid sa mga darating na buwan.

Facebook Comments