Meralco, magpapatupad ng bawas-singil sa kuryente ngayong Mayo

Matapos ang sunod-sunod na taas-singil, magpapatupad naman ng bawas-singil sa kuryente ang meralco ngayong Mayo.

 

Sa abiso, aabot sa P0.27 per kilowatt hour ang ibabawas sa singil.

 

Katumbas ito ng P55 sa total bill ng mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan.


 

Tapyas na P82 naman para sa buwanang konsumo na 300 kwh; P110 sa 400 kwh at P136 kung 500 kwh.

 

Ang bawas-singil sa kuryente ay resulta ng pagbaba ng generation charge para sa buwan ng mayo bunsod naman ng mas mababang singil ng independent power producers at power supply agreements.

Facebook Comments