Meralco, magpapatupad ng dagdag-singil ngayong buwan ng Abril

17

Huwag nang magugulat ang mga Meralco consumers dahil may bahagyang pagtataas sa singil ng kuryente ngayong buwan ng Abril.

Sa abisong inilabas ng power distribution company, ₱0.0872 kada-Kwh ang dagdag-singil na makikita sa bill ngayong kasalukuyang buwan.


Katumbas anila ito ng Php 17 na increase sa binabayarang bill ng isang bahay na kumukunsumo ng 200 kilowatts kada-buwan.

Ang mataas na presyo ng Wholesale Electricity Spot Market o WESM ang itinuturong dahilan ng Meralco sa ipinatupad na generation charge increase.

Ito ay bunsod pa rin ng mas mahigpit na supply condition sa Luzon Grid dahil sa mas mataas na demand sa kuryente ngayong summer season.

Facebook Comments