Tuesday, March 10, 2026

Meralco, magpapatupad ng dagdag-singil sa kuryente ngayong Marso; pagtaas ng presyo ng langis walang pang direktang epekto sa kuryente

Madaragdagan ng 0.64 pesos per kWh ang singil sa kuryente sa darating na March 2026 billing ayon sa Meralco.

Ayon kay Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga, bunsod ito ng pagtaas ng generation at transmission charges.

Tumaas kasi ng 0.29 pesos ang transmission charges ng para sa isang residential costumer bunsod ng pagtaas ng 70 percent ng ancillary services charges ng National Grid Corporation (NGCP) mula sa reserve market.

Habang nadagdagan naman ng 0.22 pesos per kWh ang generation charges dahilan para umakyat ito sa 7.86 centavos.

Narito ang katumbas ng dadag-singil sa kumukunsumo ng; nasa 129 pesos sa 200 kWh, 193 pesos sa 300 kWh, 257 pesos sa 400 kWh, at 321 pesos sa 500 kWh.

Sa kabila nito, sinabi ni Zaldariagga na ang dagdag-singil sa kuryente ay wala pang kaugnayan sa pagsipa ng presyo ng petrolyo sa gitna ng patuloy na sigalot sa Middle East.

Samantala, hindi pa masabi ng Meralco sa ngayon kung ano ang magiging epekto ng pagsirit ng presyo ng langis sa kabila ng pahayag ng Department of Energy (DOE) na posibleng tumaas sa 16 percent ang singil sa kuryente.

Kaugnay niyo, inilabas ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pagbabago sa kanilang Lifeline Rate Subsidy Program.

Kung saan patuloy na ipapatupad ng Meralco ang lifeline discounts lagpas sa national threshold – 35 percent para sa kumukunsumo ng 51 hanggag 70 kWh at 20 percent para sa kumukunsumo ng 71 hanggang 100 kWh.

Habang mag-seset naman ang ERC ng lifeline subsidy rate na 0.01 pesos kWh na kokolektahin mula sa subsidizing electricity end users sa buong bansa na magiging epektibo sa darating na March billing.

Facebook Comments