MERALCO, magpapatupad ng P0.64/kWh na dagdag-singil dagdag-singil sa kuryente ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsyo ng Manila Electric Company o MERALCO sa kanilang mga kustomer na magpapatupad sila ng P0.64/kWh na dagdag-singil sa electric bill ngayong buwan ng Hunyo.

Ayon sa MERALCO, ang pagmahal ng singil sa kuryente ay dahil sa mas mataas na Generation Charge at Pass-Through Charges o mga gastos na dumaan lang sa kanila.

Paliwanag ng MERALCO na kabilang dito ang mga binabayad sa mga Power Generator; Feed-in Tariff Allowance na napupunta sa Renewable Energy Producer at Transmission Charge.


Samantala, sinabi naman ng MERALCO na hinati nila sa 3 ang aktwal na generation charge kung saan ang butal ay sisingilin sa mga buwan ng July, August at September.

Katumbas ang dagdag singil ng Php128 para sa mga kumukonsumo ng 200 Kwh at P320 naman para sa mga komokunsumo ng 500 Kwh.

Facebook Comments