Meralco, muling magtataas ng singil sa kuryente sa susunod na buwan

Inihayag ng pamunuan ng Manila Electric Company o Meralco, na magtataas ito ng singil ng kuryente sa buwan ng Setyembre.

Batay sa abiso ng Meralco, nasa 9 centavos per kilo watt hour ang dagdag singil.

Ito ay dahilan sa pagsipa ng transmission charge, dulot ng ancillary services ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).


Sa 200 per kilo watt hour ang konsumo ay nasa 19.00 ang dagdag sa isang buwan. Kapag 500 per kilo watt hour ang nakunsumo aabot na ito ng 48.00.

Nabatid na ito na ang ika-limang magkakasunod na buwan ng pagtaas ng singil ng kuryente, simula buwan ng Abril ngayong taon.

Facebook Comments