Meralco, nagbabala ng rotational brownout

Nagbabala ang meralco na posibleng makaranas ang kanilang consumers ng rotational brownout ngayong panahon mg tag-init.

Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco patuloy ang pagtaas ng demand o pangangailangan sa kuryente dahil sa painit ng painit ang panahon.

At kapag tuluyang bumaba ang reserbang kuryente at isinailalim ito sa red alert, mapipilitan daw ang kanilang electric cooperative na ipatupad ang rotational brownout.


Matatandaan na una nang nagpatupad ng dadag singil sa kuryente ang meralco ngayong buwan ng abril ito’y dahil sa sunod-sunod na pagtataas ng yellow alert sa luzon grid bunsod na din ng pagnipis ng reserba ng kuryente.

Facebook Comments