Meralco, nagbabala sa mga bumibili ng mga nakaw na metro ng kuryente

Nagbabala ang Meralco sa mga bumibili o gumagamit ng mga nakaw na metro at iba pang gamit ng kumpanya.

Kasunod ito ng natuklasan ng electric company at ng PNP na 12 piraso ng ninakaw mga metro ng kuryente sa Maynila.

Nabatid na ang mga ninakaw na metro ay ibinebenta online.

Ayon sa Meralco, ang mga bumibili o gumagamit ng mga nakaw na metro at iba pang gamit ng kumpanya ay maaari ring managot sa ilalim ng Presidential Decree No. 1612 o Anti-Fencing Law of 1972.

Habang ang mga nagnanakas at nagbebenta ng mga metro ng kuryente at iba pang pasilidad ng kumpanya ay mahaharap sa paglabag sa Anti-Electricity Pilferage Act, na may parusang
pagkakakulong at/o multa mula P50,000 hanggang P100,000.

Muling iginiit ng Meralco na ang pagnanakaw at pagbebenta ng mga metro ng kuryente at iba pang pasilidad ng kumpanya ay labag sa Republic Act No. 7832 o Anti-Electricity Pilferage Act, na may parusang pagkakakulong at/o multa mula P50,000 hanggang P100,000.

Samantala, ang mga bumibili o gumagamit ng mga nakaw na metro at iba pang gamit ng kumpanya ay maaari ring managot sa ilalim ng Presidential Decree No. 1612 o Anti-Fencing Law of 1972.

Facebook Comments