Pinag-iingat ng Manila Electric Company ang publiko sa paggamit ng mga energy-saving devices ngayong summer months.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga na huwag magpalinlang dahil sa halip kasi na bumaba ay baka mas sisipa pa ang bayarin sa konsumosa kuryente ng mga kasambahayan.
Ani Zaldarriaga, kabilang sa dapat iwasang gamitin ay ang mga plug-in na power saving device.
Dagdag ni Zaldarriaga na ipina-test na nila ang mga plug-in device na ito at napatunayang nakakapagpataas pa ng konsumo sa halip na magpababa dahil gumagamit din ng kuryente ang mga gadget.
Payo ni Zaldarriaga bawasan ang appliances o iiklian ang oras ng paggamit nito upang maibaba ang konsumo at bayarin sa kuryente.
Facebook Comments