MERALCO, naghahanda na rin sa harap ng pagsasailalim sa Luzon sa Red at Yellow Alerts

Nakaalerto na rin ang MERALCO kasunod ng pagsasailalim sa Luzon sa Red at Yellow Alerts.

Ayon sa Meralco, naglabas na rin sila ng abiso hinggil sa Interruptible Load Program (ILP) para sa posibleng de-loading.

Nakahanda rin anila silang magpatupad ng mano-manong load dropping o rotating power interruptions sakaling kailanganin.


Mahigpit ngayon na mino-monitor ng Meralco ang sitwasyon at tiniyak nito na agad silang maglalabas ng abiso sa publiko.

Facebook Comments