
Tiniyak ng Meralco ang kahandaang rumesponde sa epekto ng Bagyong Crising at ng habagat.
Kaugnay nito, nagpaalala si Meralco Vice President at Head ng Corporate Communications Joe Zaldarriaga sa publiko para matiyak ang ligtas na paggamit ng kuryente lalo na kung mayroong pagbaha.
Kabilang dito ang pagpatay sa linya ng kuryente sa bahay o ang main circuit breaker at dapat tiyakin din na tuyo ang mga kamay bago humawak ng anumang pasilidad ng kuryente.
Ayon sa Meralco, dapat ding tanggalin sa pagkakasaksak ang mga kagamitang de kuryente at kung maaari, alisin din sa pagkakasaksak ang mga bumbilya ng ilaw gumamit ng guwantes na gawa sa goma at sapatos na yari sa goma ang swelas , sa pagtanggal ng mga putik at dumi sa main circuit breaker, fuse, at mga saksakan upang hindi ma-kuryente sakaling grounded ang mga ito.
Mahalaga rin aniyang ipasuri muna sa lisensyadong electrician ang mga saksakan at wiring sa bahay bago ito muling gamitin.
hinikayat din ni Zaldarriaga ang publiko na panatilihing bukas ang linya ng komunikasyon, tiyaking may charge ang mga cellphone, laptop, radyo, at iba pang gadget na ginagamit sa komunikasyon.








