Nagpaalala ang Manila Electric Company (Meralco) sa kanilang mga customer kaugnay sa paunti-unting pagbayad ng bill sa kuryente hangga’t wala pang ibinibigay o dumarating na bill sa buwan ng Hunyo.
Posible kasing malito ang mga consumer sa mismong bill at additional charges na sisingilin umano sa kanila habang nasa gitna pa ng General Community Quarantine (GCQ).
Matatandaang nakatanggap ng reklamo ang electric company matapos malito ang kanilang mga customer sa kanilang babayarang bill.
Ayon sa ilang mga customer, siningil umano sila ng triple sa kabila ng nararanasang pandemya sa bansa.
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, karapatan ng mga consumer na malaman ang kanilang binabayaran na maaari nang bayaran sa kanilang business center.
Tiniyak naman ng pamunuan ng Meralco na wala silang puputulang kuryente ngayong buwan ng Hunyo.