MERALCO, nagpaliwanag sa delayed na electric bill ngayong Hunyo

Nagpaliwanag ang Meralco kung bakit naantala ang pag-deliver nila ng electric bill ngayong Hunyo.

Ayon sa Meralco, pinayuhan sila ng Energy Regulatory Commission (ERC) na huwag munang i-deliver ang June 2024 bills hanggat hindi nila natatanggap ang pinal na Wholesale Electricity Spot Market (WESM) bill.

Ipinaliwanag din ng naturang electric company na nagkaroon ng adjustment sa bill alinsunod sa direktiba ng ERC na pagkolekta ng bahagi ng generation charges sa pamamagitan ng pag-utay-utay mula June hanggang September 2024.


Layon nito na hindi mabigatan ang consumers sa impact ng pagtaas ng generation costs dahil sa WESM charges dulot ng epekto ng pagnipis ng supply ng elektrisidad sa Luzon grid.

Humingi naman ng dispensa ang Meralco sa consumers.

Facebook Comments