
Tiniyak ng Meralco na naka-full alert na sila sa banta ng Bagyong Dante at sa nagpapatuloy na habagat.
Sa ngayon, 12,000 pang customers ang hindi pa naibabalik ang supply ng kuryente.
Karamihan sa mga ito ay mula sa Cavite, Metro Manila, at Bulacan, na karamihan ay naapektuhan ng baha.
Gumagamit na rin ang Meralco Rescue ng high-bed trucks at motorized fiberglass boats sa pag-restore ng kuryente at sa kanilang rescue operations.
Tiniyak din ng Meralco na naka-antabay ang kanilang mga tauhan sa inaasahang pagpapatuloy ng pagbuhos ng ulan hanggang sa mga susunod na araw.
Facebook Comments









