Meralco, nakiusap sa commercial at industrial establishments na bumitaw mula sa grid sa harap ng red alert ngayong araw sa Luzon

Umapela ang Manila Electric Railroad and Light Company (Meralco) sa mga commercial at industrial establishments na kasama sa interruptible load program na de-load muna o bumitaw sa grid.

Ito ay para makabawas sa demand ng kuryente sa harap ng idineklara ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na red alert ngayong araw sa Luzon Grid.

Ayon sa Meralco, maaaring magkaroon ng rotational brownout sa ilang mga lugar ng kanilang franchise area.


Posible anilang tumagal ng hanggang dalawang oras ang rotational brownout sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments