Meralco, nanawagan sa mga kompanya na irolyo muna ang kanilang mga billboard

Hinimok ng Meralco ang mga may-ari at operator ng mga billboard na pansamantalang irolyo ang mga ito.

Ito ay sa harap ng banta ng Bagyong Pepito.

Hinihikayat din ang publiko na mag-charge ng mga cellphone, laptop, radyo, at iba pang gadgets na ginagamit sa komunikasyon.


Tiniyak din ng Meralco na naka-alerto ang kanilang mga crew para tumugon sa mga pangangailangan ng publiko.

Pinapayuhan din ang customers na sundin ang paalala ng Meralco para sa ligtas na paggamit ng kuryente lalo na kung may pagbaha.

Patuloy rin anila silang nakabantay sa lagay ng panahon lalo na at malaki ang posibilidad na lalo pang lumakas ang Bagyong Pepito.

Facebook Comments