Meralco, nanindigang hindi puputulan ng kuryente ang mga biktima ng bagyo

Tiniyak ng Meralco na hindi nila puputulan ng supply ng kuryente ang mga sinalanta ng Bagyong Kristine.

Partikular ang customers na mula sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

Ayon sa Meralco, suspendido hanggang Disyembre 2024 ang disconnection activities nila sa mga customer na naapektuhan ng kalamidad.


Sakop nito ang mga customer na may buwanang konsumo na hindi lalagpas ng 200 kwh kada buwan.

Maaari rin anilang mag-apply ang customers para sa anim (6) na buwan na installment payment o utay-utay na pagbabayad sa kanilang mga bill ng kuryente mula Oktubre hanggang Disyembre ng 2024.

Facebook Comments