Nanindigan ang Manila Electric Company (Meralco) na walang overcharging o sobra sa kanilang singil sa bills na kanilang ipinadala sa kanilang mga customer.
Binigyang-diin ito ni Meralco President Ray Espinosa sa pagdinig ng Committee on Energy na pinamumunuan ni Senator Sherwin Gatchalian kung saan lumabas na maaaring nagpatong o nagkahalo ang actual meter reading sa estimates o tinantyang konsumo sa kuryente habang umiiral ang lockdown noong Marso at Abril.
Pangako ni Espinosa, padadalhan ng liham ang bawat customers ng Meralco para maipaliwanag ng malinaw kung magkano ang kanilang naging estimates at magkano ang lumabas sa actual reading.
Kasabay nito ay sinabi ni Espinosa na maaaring i-refund ng kanilang mga customer ang kanilang ibinayad ng buo kung nais nilang bayaran ang kanilang bills ng hulugan.