Naniniwala ang Meralco na walang magiging pagtaas ng singil ng kuryente sa kabila ng yellow at red alert dahil sa pagnipis ng reserba ng kuryente sa Luzon.
Pero naniniwala si Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga na mataas pa din ang konsumo ng kanilang mga consumers dahil na din sa init ng panahon na nararanasan.
Ipinunto ni Zaldarriaga na karamihan sa kanilang mga customers ay gumagamit ng air-con ng maghapon kaya’t sigurado daw na malaki ang kanilang babayarang bill.
Sinabi pa ni Zaldarriaga na hihintayin na lamang nila ang final billing maging ang palitan ng piso sa stock market dahil nakadepende daw dito kung magkakaroon sila ng adjustment sa buwan ng hunyo.
Facebook Comments