Meralco, pag-aaralang mabuti ang basehan ng ERC sa pagpataw sa kanila ng multang P19-M

Wala pang natatanggap na kopya ng utos mula sa Energy Regulatory Board (ERC) ang Manila Electric Company (Meralco).

Kaugnay ito ng desisyon ng ERC na pagmultahin ng P19 milyong ang Meralco matapos na mabigo itong linawin ang isyu hinggil sa naranasang bill shock ng kanilang mga customer mula Marso hanggang Mayo.

Bukod dito, bigo rin umano ang kompanya na makasunod sa kasunduan hinggil sa installment payment sa gitna ng umiiral na community quarantine dahil sa COVID-19.


Sa interview ng RMN Manila, tiniyak ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga na hihimayin nila itong mabuti at titingnan kung ano ang naging basehan ng penalty.

Facebook Comments