Meralco, patuloy ang ginagawang restoration activities sa mga linyang napinsala ng Bagyong Jolina

Inihayag ng pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) na nagpapatuloy ngayong araw ang ginagawang restoration activities sa mga linyang napinsala ng bagyong Jolina.

Batay sa kanilang monitoring kaninang alas-5:00 ng madaling araw, nasa 16,000 customers ang nawalan ng kuryente.

Karamihan dito ay mga nasa Cavite at Laguna.


Ayon kay Joe Zaldarriaga, Meralco VP for Corporate Communications, sisikapin nilang maibalik ang kuryente sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments