Ngayong papatapos na ang El Niño, ang La Niña naman ang pinaghahandaan ng Meralco.
Sa pulong balitaan sa Quezon City, sinabi ni Joe Zaldarriaga , head ng Corporate Communication ng Meralco na sa pagpasok ng tag-ulan ay unti-unti nang manonormalisa ang pangangailangan sa kuryente dahil bababa na ang bilang ng mga consumers na gagamit ng aircon para magpalamig.
Aniya, kapag may pag-ulan at bagyo ay ang distribution lines naman ng kuryente ang maaaring maging problema dahil sa malalakas na hampas ng hangin kapag may kalamidad tulad ng pagbagyo.
Sapat naman aniya ang suplay ng kuryente para punan ang demand ng mamamayan kahit nanipis ang suplay dahil bumababa na ang pangangailangan ng mamamayan sa kuryente.
Facebook Comments