Hinamon ni Rural Electric Consumers and Beneficiaries of Development and Advancement, Inc. (RECOBODA) Partylist Representative Godofredo Guya ang Meralco na magpakita ng basehan sa ginawang pagtaas ng singil sa kuryente ng mga consumers.
Ayon kay Guya, dapat ay may maipakitang comparative analysis at simpleng presentation o simulation ang Meralco para bigyang katuwiran na talagang tumaas ang konsumo sa kuryente sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at ngayong summer season.
Sinabi ni Guya, importanteng makita ang mga numero para magkaalaman kung may batayan ang reklamo ng mga consumers na biglang pagsirit ng kanilang bayarin sa kuryente.
Iginiit rin ng Kongresista na isapubliko ng Meralco ang kanilang Schedule of Rates na ginamit sa pagkwenta ng May bill.
Una nangdumipensa ang Meralco sa mataas na bills ng mga consumers kung saan sinabi nitong ang March at April bills ay ibinase sa nakalipas na 3 buwang consumption base sa Energy Regulatory Commission (ERC) advisory bago mag-ECQ kaya mas mababa ito.
Nasa May bill umano ang aktwal na konsumo kung saan nag-reflect ang full ECQ impact gayundin ang adjustments mula Marso at Abril kaya mas mataas ang consumption.