Meralco, pinagmulta ng ERC sa isyu ng bill shock sa gitna ng COVID quarantine

Pinagmumulta ng Energy Regulatory Commission (ERC) ng P19 million ang Manila Electric Company (Meralco).

Ito ay dahil sa kabiguan ng Meralco na malinawan ang isyu hinggil sa tsambang pagpapataw nito ng singil sa kuryente sa consumers sa gitna ng COVID-19 lockdown sa pagitan ng Marso, Abril at Mayo ng taong ito.

Ayon sa ERC, bigo rin ang Meralco na maka-comply sa kasunduan hinggil sa installment payment sa harap ng nagpapatuloy na COVID-19 quarantine.


Una nang inatasan ng ERC ang Meralco na magpaliwanag at magpakita ng katibayan sa naging basehan nito ng pag-calculate ng kilowatt-hour (kWh) consumption sa customers nito sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Magugunitang nagulat ang maraming consumers ng Meralco nang biglang maging triple ang bill ng kuryente sa kabila nang wala namang naging reading sa mga kontador ng consumers.

Kasunod nito, dumagsa sa ERC ang reklamo ng maraming consumers.

Facebook Comments