Meralco, pinayuhan ang mga consumer na hintayin ang bagong hatian ng bill bago magbayad

Pinayuhan ng Meralco ang mga konsyumer na hintayin ang pagdating ng bagong bill.

Ito ay kasunod ng dumaraming reklamo mula sa mga konsyumer bunsod ng pagsipa ng kanilang bill na naipon sa gitna ng lockdown.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, nakahimay sa bagong bill ang hatian ng mga nakabinbing bayarin sa loob ng lockdown period.


Magiging basehan sa paghati ng bill ang February 2020 bill, kung hanggang 200 kilowatts per hour ang konsumo noon, hahatiin sa anim ang lahat ng bill sa quarantine period mula Hunyo 15 hanggang Nobyembre 15.

Kung lagpas 200 kilowatts per hour naman ang February bill, apat na hati lang ang bills na babayaran mula Hunyo15, 2020 hanggang Setyembre 15, 2020.

Alinsunod sa utos ng Energy Regulatory Commission (ERC), kailangang maglabas ng hiwalay na hatian para sa mga natenggang bill ngayong lockdown.

Facebook Comments