Meralco, posibleng magpatupad ng rotating interruption

Isinailalim na sa “red alert” status ang Luzon grid dahil sa matinding kakapusan sa reserba ng kuryente.

Idineklara ito kaninang alas-onse ng umaga at ipatutupad mamayang alas-dos ng hapon hanggang alas-kwatro ng hapon.

Ilalagay naman siya ng “yellow alert” sa alas-diyes ng umaga, alas-dose ng tanghali hanggang ala-una ng hapon, alas-singko ng hapon, alas-siyete ng gabi, at alas-nuwebe ng gabi.


Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), halos 1,702 megawatts ang nawala dahil force outages ng mga planta ng kuryente.

Mayroong available capacity na 10,625 megawatts habang nasa 10,313 megawatts naman ang peak demand.

Dahil dito, sa interview ng RMN Manila kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga na posibleng magpatupad ng rotating power interruptions.

Binanggit din ni Zaldarriaga ang pinagkaiba ng red alert at yellow alert.

Buong idedetalye ng Energy Department ang dahilan ng kakapusan sa reserba ng kuryente.

Facebook Comments