Pinaghahanda na ng Meralco ang mga customer nito sa posibleng pagtaas ng singil sa kuryente sa Mayo.
Sabi ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, bunsod ito ng inaasahang pagsipa ng presyo ng kuryente gayundin ng konsumo dahil sa matinding init ng panahon.
Katunayan aniya, nalampasan na ng konsumo noong April 19 ang pinakamataas na gamit sa kuryente noong Mayo ng nakaraang taon.
Una nang nagbabala ang Independent Electricity Market Operator of the Philippines o IEMOP ng posibleng pagtaas ng singil sa kuryente sa mga susunod na buwan dahil sa posibleng pagtama ng El Niño.
Facebook Comments